Hi Everyone!!
As you can see, I made this blog to express my feelings towards being an Ambivert. I may not have skills that can "WOW" the world, but I can be a supportive friend.
Yhep, I'm that type of friend na maalala mo lang kung may kailangan ka. Yung uutangan tapos aawayin kung ayaw bayaran. Ako yung last na person na e-text kung may gimik dahil di naman ako mahilig uminom.
Pero kung may problema ka, I'm all ears. Want to know why?
Because I know how it feels like to be alone, I know the pain of not having someone to talk to when your depressed. I also know the feeling of neglect and abandonment.
Those type of emotions aren't exempted to the younger version of me, especially when I hide it with a straight face. Kaya nga di ako sineryoso ng iba kapag ako na yung may problema, kasi alam nila na kaya ko e-overcome yun. (akala lang nila)
The Problem with Depression
Alam mo na kaya mo maging okay, pero deep inside gusto mo na mamatay. Yung wala ka nang mahanap na quotes na inspirational dahil nanlulumo ka parin.
Kahit kausapin mo pa yung Therapist mo or e-shout out mo sa Facebook at Twitter na super depressed ka, kulang oparin. Lumalabas pa nga attetion grabber ka (kulang sa pansin).
Yung hahanap ka nang hobby or extra curricular activities para ma express mo yung sadness na bumabalot sa puso mo, pero wala eh. Mas na sad ka pa kasi wala kang kasabay. (alone forever daw)
Yung gusto mo maayos buhay mo pero sa kakaisip mo nang ways mas na depressed ka pa. Di ko nga maayos yung kwarto ko, buhay ko pa kaya. (tawa naman jan, seryoso mo!)
Di tayo exempted sa depression, dahil kasalanan din natin to. Dahil sa social media mas lumalala pa ito. We see a perfect life sa isang maliit na screen, akala natin masaya sila. Pero katulad lang din natin sila, nag hahanap nang admiration dahil ayaw nilang e-pakita na depressed sila.
May article akong nabasa na yung couples na mahilig mag post sa social media na perfect yung relationship nila, kabaliktaran sa reality. Di ko man e-generalize lahat, pero they want to set a good example to other and they want others to praise there relationship.
What to do when depressed
Acceptance, aminin mo sa sarili mo na depressed ka. Wag mo e-deny na di ka masaya. You isolate yourself from others that would trigger your depression. Kung kaya mo mag travel, go! Lam mo ginagawa ko, pumupunta ako sa beach. Dun ko sinisigaw lahat nang bullshit sa buhay ko.
Kung galit ka, labas mo! basagin mo lahat ng plato sa bahay niyo. Wag lang yung mamahalin ha, paluin ka ng nanay mo. Sigaw mo, iiyak mo, ilabas mo lahat.
Next, isipin mo bakit ka galit. Sino yung cause ng anger mo. Ano dapat mong gawin para maging okay ka? Isipin mo kung ikaw yung nasa kalagayan niya, ano gagawin niya sayo kung malaman niya na galit ka?
Kung nakita mo na yung root cause nang pain mo, accept it. Then, let it go. Para bang nakahawak ka sa isang tali na covered yung buong kamay mo, diba masakit sa kaka-kapit nasusugatan ka na. Then nung binitawan mo, diba ang sarap nang feeling na walang hawak.
Kapag na let go mo na yung problema mo, pasayahin mo yung sarili mo. Kumain ka ng ice cream, manood ka ng movies or mag pa kain ka sa pamilya mo. Or yung ginawa ko noon, gumawa ako ng egg sandwich tapos pinakain ko sa mga nakita kong tao naka upo sa sidewalk. Small gestures that can result to tiny blessings sa iba, kahit yung smile nila pampa good vibes na din yun.
As a result, depression is a decision for me. Why? Because kung mag pa talo ka, ikaw yung mawawalan. Pero kung alam mo sa sarili mo na kaya mong lampasan lahat nang obstacles na ibigay sayo, tiyak kaya mo din ma overcome yung depression mo.
ACE2016